Home / Series / Drag Den / Aired Order /

All Seasons

Season 1

  • S01E01 Round 1: Drag Raid

    • December 8, 2022
    • Prime Video

    Pasok na sa lungga mga vakla! Nandito na ang “Drag Lord” Manila Luzon, kasama ang kanyang “Drag Dealer” Nicole Cordoves, at “Drag Runner” Sassa Gurl Sassa. Sa loob ng (8) walong linggo, walong (8) Drag Queens ang magpapasiklaban at magapapasa-vogue ng kani-kanilang talas, galing, at ganda para kilalanin ang pinakunang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.

  • S01E02 Round 2: Drag Trippin'

    • December 15, 2022
    • Prime Video

    Namumutawi ang kagalakan sa looban. Tuloy-tuloy ang paglalakbay ng mga Drag Queens sa patimpalak na walang halong pangamba at sa iba pang mga Palarong Pambansa na nakaantabay. At dahil sa hindi mapipigilang kasiyahan, sinubukan ng Drag Lord ang mga Drag Queens kung may maganda bang dulot ang mga tinanim na epektus.

  • S01E03 Round 3: Dangerous Drags

    • December 22, 2022
    • Prime Video

    Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan ng mga Drag Queens. May ungkatan ng nakaraan at napag-usapan ang dating hidwaan nina Lady Gagita at O-A. Hindi rin mapigilan ng iilan sa Drag Queens na kumampi at pumagitan sa dalawang nagsasabong. Dagdag pa dito, ang masamang balak ni Sassa Gurl na susubok sa mga Drag Queens kung paano sila makitungo sa isa’t isa. Tunay nga ba silang swissters o mga sabotahe?

  • S01E04 Round 4: High On Drags

    • December 29, 2022
    • Prime Video

    Nagmistulang isang pantasya ang mundo sa looban, hitik sa mga alamat at kuwentong-bayan. Pero bago pa man sila magbago ng anyo, isang hindi inaasahang bangayan ang mangyayari.

  • S01E05 Round 5: I-drag ang Mafia

    • January 5, 2023
    • Prime Video

    Likas na mayaman sa tradisyon at kultura ang mga Pilipino, ito ay nangingibabaw sa ating iba’t-ibang uri ng selebrasyon at pagdiriwang. At ngayong gabi, magpapalamuti at magniningning ang ating mga Drag Queens mala Happy Fiesta at Calendar Girls.

  • S01E06 Round 6: Drag Is Political

    • January 12, 2023
    • Prime Video

    Ang Drag ay hindi lamang saya, palamuti, at ganda. Kailangan din maisabuhay ng mga Drag Queens ang kanilang kahandaan at kagalingan sa paghatid ng mga magandang mensahe, lalo na kung nagmula sa iyong Source. Sa ganap na ito, mas tumingkad ang boses ng mga Drag Queens bitbit ang iba't-ibang panawagan at adbokasiya kagaya ng pangmamata sa isyu ng AIDS at pagsasantabi sa karapatan ng mga kababaihan.

  • S01E07 BONUS: #DragOutSpecial

    • January 19, 2023
    • Prime Video

    Pahinga muna ang mga Drag Queens sa kompetisyon. Magbalik-tanaw tayo sa ilang mga magagandang karanasan at mumunting alaala na nakatago sa baul. Ang palabas na ito ay patotoo kung bakit mahalaga ang sining ng Drag sa Pilipinas. Sa huli, ang ating Top 3 Drag Queens ay magpapasiklaban gamit ang kani-kanilang talas, galing, at ganda para kilalanin ang pinakaunang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.

  • S01E08 Round 7: Drag Encounter

    • January 26, 2023
    • Prime Video

    Hindi naging madali ang tinahak na tadhana ng mga Drag Queens para makamit ang tunay na tagumpay, ikaw ba naman mag-10-inch heels, trew?! Tampok dito ang kanilang National Costume, Swimwear, Long Gown at syempre - Q and A. Sa wakas, kasama ng mga ilan pang pinatawag na bisita ni Kapitana sa looban, matutunghayan at makokoranahan na ang kauna-unahang Pinoy Drag Supreme ng Pilipinas.

Season 2 - Retribution

  • S02E01 Round 1: Kalyeah Culture

    • January 18, 2024
    • Prime Video

    Nasalakay ang lumang lungga ng mga bakla, pero may bagong magbubukas. Dadalhin namin kayo sa cyberpunk bangketa ng ating “Drag Lord” Manila Luzon, kasama ang kanyang “Drag Dealer” Nicole Cordoves, at “Drag Runner” Sassa Gurl. Sa loob ng walong linggo, sampung Drag Queens ang magpapasiklaban at magapapasa-vogue ng kani-kanilang talas, galing, at ganda para tanghaling susunod na Pinoy Drag Supreme.

  • S02E02 Round 2: Parlor Gayms

    • January 25, 2024
    • Prime Video

    Shet! May matatanggal! Gulantang ang mga bakla sa bagong pasabog ni Manila Luzon. Nagsisimula nang mamuo ang tensyon sa pagitan ng mga Drag Queens sa pagpasok ng ikalawang linggo ng kompetisyon. May hiraman ng kasuotang naganap, at hindi inaasahan ang naging reaksyon ng mga bakla rito. Simula na ng drama mga accla, kaya upo na kayo.

  • S02E03 Round 3: Patayin sa Sindaks!

    • February 1, 2024
    • Prime Video

    Gabi ng lagim sa loob ng Drag Den dahil hindi ganda ang labanan, kundi takutan! Matakot kaya ng mga queens ang guest judge na global drag superstar na si Alaska Thunderfuck sa kanilang interpretasyon ng Pinoy Pamahiin at Horrorscope? Samantala, haharapin na rin ni Margaux ang isang malagim na nakaraan.

  • S02E04 Round 4Round 4: Alien? Alien!

    • February 8, 2024
    • Prime Video

    Magta-transform ang pitong natitirang queens sa kani-kanilang pantasya bilang anime at alien characters para ma-impress ang Cosplay Icon na si Alodia Gosiengfiao. Sa round na ito, hindi lang sa stage mangyayari ang tagisan ng galing, dahil tuloy ang madramang talakan sa arcade laban sa baby queen.

  • S02E05 Round 5: Baks to School

    • February 15, 2024
    • Prime Video

    Back-to-school ang mga queens bilang Miss Intrams at Prom Queen! At nanumbalik din sa kanila ang mga alaala ng kanilang campus life bilang queer students. Sa kabila ng drama, kailangan pa ring galingan para makapasa sa Drag Cartel kasama ang Gen Z queen, Andrea Brillantes.

  • S02E06 Round 6: Kakaibabe

    • February 22, 2024
    • Prime Video

    Tagisan na ng talakan ang labanan ngayong semi-finals. Hindi na sapat ang pabonggahan ng statement swimwear at Power Pinay looks, dahil kailangan na rin nilang ilabas ang talas ng kanilang dila at bilis ng pag-iisip tungkol sa iba’t ibang topics. Mapabilib kaya nila ang cartel at ang “captain”, Golden Globe nominee Dolly de Leon?

  • S02E07 Round 7: Follow Up

    • February 29, 2024
    • Prime Video

    Oras na para ma-”undrag” ang series mula sa mga rebelasyon ng main cast at ng creator/director Rod Singh tungkol sa inspirasyon ng show, bagong rules at mga queens. Kakaibang trip din ang hatid ng round na ito dahil sa mga nakakalokang never-before-seen footage mula sa lahat ng sulok ng den.

  • S02E08 Round 8: Reyna ng Gabi

    • March 7, 2024
    • Prime Video

    3 queens finally embark on the last leg of their journey to take home the coveted Drag Supreme crown. This is their last chance to impress the drag cartel with their beauty, wit and talent. This round will be an overdose of charm, camp and comedy as they take that final “psyche-den-lic” trip to crowning glory.