Home / Series / CATTLEYA KILLER / Aired Order /

All Seasons

Season 1

  • S01E01 ABO NG MGA BULAKLAK

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Isang pagpatay na tila katulad ng kaso ng Cattleya Killer tatlong dekada na ang nakalipas ang magdudulot ng gulo sa pamilya ni Joven dela Rosa, ang pulis na nagsara ng dating kaso.

  • S01E02 BANGUNGOT

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Kasabay ng sunud-sunod na natatanggap na tawag ni Anton mula kay Gene Rivera, isang bagong biktima ang susulpot na muling mag-uugnay sa kaso sa dating Cattleya Killer.

  • S01E03 NAWALANG ANINO

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Habang nahanap ni Anton ang susi sa kanyang mga kaso, nakitaan nina Galvez at Lorelei ng pattern ang mga biktima. Nakatanggap si Noble ng isang tawag na maaaring konektado sa mga pagpatay.

  • S01E04 PAGHAHARAP

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Nagsimula nang maghinala si Galvez na kasamahan niya ang sangkot sa sunud-sunod na pagpatay. Matapos niyang pumayag na makipagkita kay Jonty, isang realisasyon ang napagtanto ni Anton.

  • S01E05 BERDUGO

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Sa imbestigasyon ni Raffy tungkol sa pagkamatay ng asawa ni Joven na si Camille, matutuklasan niya ang mas malalim pang mga impormasyon tungkol sa mag-aamang dela Rosa.

  • S01E06 ANG TAO SA SALAMIN

    • June 1, 2023
    • Prime Video

    Sisikapin ni Micah na makaligtas mula sa kamay ng Cattleya Killer. Makakaharap ni Anton ang kinamumuhian niyang si Gene Rivera na magiging daan para mabunyag ang tunay na Cattleya Killer.