Pinag-usapan nina Bianca at Will ang kanilang closeness at kung paano naging mas maayos ang kanilang komunikasyon. Samantala, balik-Bahay na si Charlie, at misyon ni River na maipasok siya nang hindi napapansin. Matagumpay na naipuslit ni River si Charlie, na labis na ikinatuwa ng boys. Agad nilang pinlano ang diskarte sa pagtatago kina Ralph at Charlie. Habang patuloy ang secret task, napapansin na ng girls ang kakaibang kilos ng boys. Muling pinag-usapan ng grupo ang strategy nila para hindi mabuking.